Proteksyon sa iyong Account

From xat wiki
This page is a translated version of the page Account protection and the translation is 91% complete.
Outdated translations are marked like this.

Ang artikulong ito ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa iba't ibang mga setting ng seguridad sa xat at kung paano ito gumagana. Bagaman ang mga setting ng seguridad ay maaaring dagdagan ang seguridad sa iyong account, hindi ka dapat dito umasa ng lubos. Mayroon din kaming iba pang mga seguridad na gabay na pwede mo ring suriin.

IMPORTANTE: Ang xat staff o volunteers ay hindi sasabihin sayo na bawasan ang proteksyon ang iyong account, o kahit anong tampok na seguridad. Kung sino man humiling na bawasan ang proteksyon sa account, ay maaaring subukan nilang magkaroon ng access sa iyong account at nakawin ang iyong xats/days/powers.

Proteksyon ng Account

Mayroong tatlong uri ng Proteksyon ng Account sa xat. Ang sistemang ito ay inilagay para mapigilan ang hindi awtorisadong users na magkaroon ng access sa iyong account. Ang default na uri ng proteksyon ay ang pangalawang uri.

Para maayos ang settings, pumunta sa https://xat.com/login. Kapag matagumpay na nakapag log-in, mag-scroll pababa sa security settings. Kapag nakapili ka na ng uri ng proteksyon na iyong gusto, pindutin ang "I-update ang security settings".

1- Bansa

Ang uri na ito ay hinahayaan kang mag log in sa kahit saan sa loob ng iyong bansa na walang security email check, kahit na ikaw ay gumagamit ng ibang internet provider o IP address sa lokasyon ng iyong bahay. Ito ang pinakamababang antas ng proteksyon. Kung ikaw mag magtatangkang mag log in sa ibang bansa galing sa lokasyon ng iyong tahanan ay makakatanggap ka ng E30/E64.

2 - Internet provider

Ang uri na ito ay pinipigilan kang mag login sa magkaparehong internet provider (hal. Comcast, AT&T, Time Warner Cable) bilang iyong lokasyon sa tahanan, kahit na maaaring magpalit ng lokasyon o IP address. Kinakailangan ring mag login gamit ang pinadalang security email check sa email address na iyong ginamit para gawin ang iyong xat account. Ang email ay naglalaman ng espesyal na link na nagbabago kada ikaw ay nag lo-log in, kaya hindi mo ito kinakailangang i-save. Ito ay ang katamtaman na uri ng proteksyon. Kung ikaw ay biglang nakatanggap ng login link sa pamamagitan ng email nang hindi nagtatangkang mag log in, ay kinakailangang ikaw ay kaagad na magpalit ng password. Kung ikaw ay magtangkang mag log in gamit ang ibang internet provider sa iyong tahanan ay makakatanggap ka ng E30/E64.

3 - IP address

Ang uri na ito ay pinipigilan kang mag login mula sa parehong IP address at lokasyon sa iyong tahanan. Ikaw ay kinakailangan ring mag log in sa pamamagitan ng security email check, tulad ng inilarawan sa taas. Ito ang pinaka mataas na uri ng proteksyon. Kung ikaw ay sumubok mag log in sa ibang IP address (hal. dynamic IP address) sa tahanan ng iyong lokasyon, makakatanggap ka ng E30/E64. Kapag ikaw ay sumubok mag log in sa ibang lokasyon sa napiling pangatlong uri at (hal. lokasyon ng tahanan), ikaw ay makakatanggap ng E29 at mailo-lock sa iyong account.

Account Protection Holds

When your account is held, you are unable to trade or send any transfers. However, you can still receive xats and days through transfers from other users. Sometimes a hold is placed automatically on your account (see below) or given manually for security or other reasons through the ticket system.

3-araw na hold

Ang pagbawas ng uri ng Proteksyon ng Account mula 2 hanggang 1 ay maglalagay ng 3 araw na hold sa iyong account para sa seguridad. Ang pagbawas ng uri mula 3 hanggang 2 ay hindi mag-trigger ng hold.

5-araw na hold

Kung matuklasan ng xat ang iregularidad sa iyong account at nagsususpetsya ng phishing sa iyong account, ay maaari itong ma-block sa pagpasa at pag-trade sa loob ng 5 araw. Binibigyan ka nito ng sapat na oras upang ayusin ang problema at huwag hayaan ang mga phishers mula sa pagkuha ng iyong xats o days. Ito ay hindi maiaalis at nailalagay sa lahat ng account.

Ang iyong account ay maaari ring ma-held ng 5 araw kung mayroong aktibidad sa ibang lokasyon, internet provider o IP address sa iyong lokasyon sa tahanan.

Authentication sa Email Address

Bilang pinalawak na patong ng proteksyon, maaaring isaalang-alang ang paggamit ng 2-step na pag verify sa iyong email address na kaugnay ng iyong xat account, kung ang iyong email address ay nag-aalok ng ganitong serbisyo.

to ay maaaring makapigil sa user na magnakaw sa iyong account kahit na alam na nila ang password ng iyong email address.

Mga Kadalasang Tanong

T. Ano ang aking lokasyon sa bahay?

Ang iyong lokasyon, ay ang lokasyon, internet provider at IP address na mayroon ka noong oras na inirehistro mo ang iyong account o huling nagkaroon ng update sa lokasyon.

T. Ano ang E30/E64?

Ang error na ito ay nangangailangang tignan sa iyong email para makapag log in. Ang email address na nauugnay sa iyong account ay makakatanggap ng security email check, na kinakailangan para makapag log in.

T. Ano ang security check email?

Ito ay awtomatikong email na ipinadala ng xat sa email address na nauugnay sa iyong account. Ang email ay naglalaman ng espesyal na login link. Kung ikaw ay nakatanggap ng email na ganito at hindi sumubok mag log in, ay mangyaring magpalit agad ng password.

T. Ano ang mangyayari kung pinili ko ang 3 uri at sumubok akong mag login sa ibang computer sa ibang lugar?

Ikaw ay hindi makakapag log in. Siguraduhin na palitan ang proteksyon ng account sa 1 o 2 (depende sa iyong sitwasyon) kung ikaw ay nag pa-planong maglakbay o lumipat.

T. Paano kapag mayroon akong dynamic na IP; maaari pa rin pa akong makapag log in kahit ang aking pinili ay ang 3? Mag a-adjust ba ito sa aking dynamic IP?

Sa mga ilang kaso, ang type 3 ay hindi gumagana sa dynamic IPs. Nakadepende ito kung paano naka set up ang iyong dynamic IP. Hindi ini-rerekomindang gamitin ang type 3 kung ikaw ay mayroong dynamic na IP.

T. Ako ay na locked out! Ano na ngayon?

Sa kasalukuyan, hindi posibleng magbukas ng ticket sa ilalim ng Locked Out at kakailanganin mong gamitin ang [$link1 ticket form] sa forum upang makumpleto ang iyong kahilingan.

Para sa detalyadong tutorial kung papaano ito, mangyaring tignan ang gabay sa Locked out.

T. Kung mayroon akong laptop, maaari ko pa rin bang iwan na naka logged in?

Ang type 3 ay nakadepende sa iyong IP address at lokasyon. Magiging locked out ang account kapag ipinunta sa ibang lugar ang iyong laptop o gamit na mayroong ibang lokasyon.

T. Bakit hindi ko mapili ang type 3?

Kung ang lokasyon mo ay iba sa lokasyon ng iyong tahanan at hinihiling na mapili ang type 3, ay magbukas ng ticket sa Help Topic na naka-set sa "Location Update".