Eventstats/tl

From xat wiki
This page is a translated version of the page Eventstats and the translation is 92% complete.
Outdated translations are marked like this.

Ang evenstats ay isang kapangyarihan na nagpapakita ng graphical summary tungkol sa kaganapan sa loob ng chat. Halimbawa, kung gaano karaming kick at ban ang naging kaganapan sa napiling window.

Upang tingnan ang mga istatistika ng kaganapan ng isang chat, mag-hover sa "grupo" sa kanang tuktok ng iyong chat at i-click ang "mga kaganapan". Maaari mo ring tingnan ang mga ito gamit ang link na xat.com/chats?&roomid=ROOM_ID&groupname=GROUP_NAME#!events, na pinapalitan ang mga halaga sa malalaking titik.

Tandaan: Bumabalik lang ang Eventstats hanggang 14 na araw at maaaring tumagal nang hanggang 10 minuto upang ma-update.

Kung ikaw ay naghahanap ng listahan ng mga kaganapan sa iyong chat group, mangyaring tignan ang Events na kapangyarihan. Ang Events power ay hindi kailangan para magamit ang Eventstats.

Eventstats Search

Maaaring matignan lahat ang chat event statistics, o tignan ang statistica ng user. Kung gusto mong tignan ang lahat ng stats ay i-click ang "search" ng walang ID o Username sa box.

Sa sandaling naisumite, ikaw ay bibigyan ng tatlong iba't ibang mga chart. Ang pie chart, at dalawang histograms:

Ang pie chart ay isang circular chart na nahahati sa mga sektor, na naglalarawan ng numerical na proporsyon, halimbawa 25% at 75%. Ipinapakita nito sa iyo ang porsyento ng mga aksyon ng user o chat sa loob ng bawat uri.

Ang mga histogram ay mga graphical na representasyon ng pamamahagi ng data. Dito mo makikita ang pamamahagi ng mga aksyon sa napakaraming araw.